Filtered By: Showbiz News | News
LOOK: Pauline Mendoza, na-miss ang pagganap bilang Crisel sa 'Kambal, Karibal'
Published On: September 21, 2018, 12:40 PM
Updated On: September 21, 2018, 01:08 PM
Nananatili sa isip ni Kapuso teen star Pauline Mendoza ang kanyang pagganap bilang Criselda sa hit teleseryeng 'Kambal, Karibal.'
Nananatili sa isip ni Kapuso teen star Pauline Mendoza ang kanyang pagganap bilang Criselda sa hit teleseryeng Kambal, Karibal.
Mahigit isang buwan na ang nakakalipas nang matunghayan ng sambayanan ang pagtatapos ng drama.
Miss na raw ni Pauline ang kanyang mga kasamahan sa serye lalo na ang kanyang partner-in-crime na si Black Lady na ginampanan ni Roence Santos.
Ibinahagi rin ng aktres sa kanyang Instagram Stories ang ilang behind-the-scenes footage ng Kambal, Karibal at sinariwa ang mga nangyari sa likod ng mga ito.
Muli ring binalikan ni Pauline ang nakaka-good vibes na meme na tampok sina Crisel at Black Lady.
Trending Articles