TV

Sanya Lopez, 'best gift' ang pagiging leading lady nina Dingdong Dantes, Dennis Trillo sa 'Cain at Abel'

By Michelle Caligan
Sanya Lopez, hindi pa rin makapaniwalang magiging leading lady siya nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa Cain at Abel.

Si Sanya Lopez ang gaganap na leading lady nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa upcoming primetime series na Cain at Abel.

IN PHOTOS: A first look at the cast of 'Cain at Abel' starring Dingdong Dantes and Dennis Trillo

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actress na makakatrabaho niya ang Kapuso Primetime King at Drama King.

"Bagung-bago, ibang-iba. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang part ako nito," natatawang sabi niya sa isang panayam with GMA media.

Dagdag pa ng aktres, "Sobrang excited, medyo kinakabahan ako. Ito ang pinaka-best na gift sa akin this year, itong Cain at Abel, lalo na't mga hari ng GMA Network 'yung mga kasama namin."

Bukod sa teleseryeng ito, may pelikula rin si Sanya kasama si Derrick Monasterio, ang Wild and Free.

WATCH: Sanya Lopez, hindi pinagsisisihan ang daring role sa pelikulang 'Wild and Free

Kaya naman nag-uumapaw sa saya ang dalaga.

Sabi ni Sanya, "Sobrang ganda ng taon na ito sa akin. Ang daming blessings na pumasok, hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang saya ko. Totoo pala 'yun."

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.