What's Hot

WATCH: Jo Berry, nabago ang buhay dahil sa 'Onanay'

By Jansen Ramos
Published September 7, 2018 5:15 PM PHT
Updated September 7, 2018 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Malayo na nga ang narating ng 'Onanay' lead star na si Jo Berry dahil bukod sa mataas na rating ng kanyang show ay inspirasyon din ang dulot nito para sa differently-abled persons tulad niya.

Malayo na nga ang narating ng Onanay lead star na si Jo Berry dahil bukod sa mataas na rating ng kanyang show ay inspirasyon din ang dulot nito para sa differently-abled persons tulad niya.

Sa kanyang pakikipagkwentuhan kay Arnold Clavio sa programang Tonight With Arnold Clavio, inilahad niya kung paano nabago ang kanyang buhay dahil sa serye.

WATCH: Jo Berry, nasubukan ang showbiz IQ sa 'Tonight With Arnold Clavio'

Saad ng 24-year-old showbiz newcomer, "Madami na po akong realization ngayon, na sa'kin gusto ko lang siyang ma-explore, pero 'yung impact sa tao, malaki."

Patuloy pa niya, "Marami na po sa'kin nag-me-message or kahit ['yung mga] na-me-meet ko, nag-te-thank you sila [at] na-iinspire sila sa'kin. Ang sarap po sa pakiramdam na nakaka-inspire ako ng mga tao."

Inamin din ni Jo na hanggang ngayon ay na-starstruck pa rin siya sa mga bigating artistang kasama niya sa Onanay tulad nina Nora Aunor at Cherie Gil, at sa kanilang direktor na si Gina Alajar.

"Na-starstruck pa rin ako kahit matagal ko na silang nakakasama. Lagi nila akong tinutulungan 'pag may mga scenes na medyo nahihirapan ako [saka] mabigat. Sobrang blessed ko po na sila 'yung mga kasama ko dito sa Onanay." kuwento ni Jo.

Video from GMA Public Affairs