Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

'Love O2O' stars Yang Yang and Zheng Shuang, mapapanood na sa GMA Heart of Asia

By Gia Allana Soriano
Updated On: September 10, 2018, 03:44 PM
Mapapanood na ang Chinese drama na 'Love O2O' sa GMA Heart of Asia!

Mapapanood na ang Chinese drama na Love O2O sa GMA Heart of Asia! Kinatatampukan ito ni award-winning actor Yang Yang bilang si Xiao Nai at ng sikat na aktres na si Zheng Shuang bilang Bei Weiwei.

Si Xiao Nai ay isang heartthrob na guwapo na, matalino, athletic, at mayaman pa. Siya ay CEO ng isang technology company, mahusay sa basketball, at sikat sa kanilang eskwelahan. Kilala rin siya online bilang top player sa larong 'A Chinese Ghost Story.'

Si Bei Weiwei naman ay isang sophomore na kilala bilang "belle" among computer science majors. Second placer rin siya in terms of beauty sa buong school. Maganda, mabait, at matalino, si Bei Weiwei ay isa rin sa top players ng larong 'A Chinese Ghost Story' at ang nag-iisang babae sa ranking na ito.

Sa game ay naging virtual married couple sina Xiao Nai at Bei Weiwei gamit ang usernames nilang Yixiao Naihe and Reed Weiwei para makasali sa isang competition.

Paano kapag nalaman nila ang real identity ng isa't isa? Magtutuloy kaya ang kanilang online relationship offline?

Abangan sa Love O2O, ngayong September 10 na sa GMA Heart of Asia.

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.