Ilang GMA programs at personalities, wagi sa ALTA Media Icon Awards
Nasa ika-apat na taon na ang ALTA Media Icon Awards ng Department of Communication ng University of Perpetual Help.
Pinararangalan nito ang mga indibidwal at mga programa na may makabuluhang ambag sa pag-unlad ng bansa, pati na sa paghubog ng kaisipan ng kabataan.
Ilang mga Kapuso shows at personalities ang nakasungkit ng awards ngayong 2018.
Best Magazine Show ang Kapuso Mo, Jessica Soho, habang Best Travel Program naman ang Born to be Wild at Best Lifestyle Program ang Pop Talk.
Hinirang na Best Magazine Show Host si Ms. Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho). Samantala, Best Showbiz-Oriented Talk Show Host naman si Suzi Abrera para sa programang Mars.
Si Mr. Howie Severino (I-Witness) naman ang Best Documentary Program Host, at si Ms. Winnie Monsod (Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie) ang Best News Talk Program Host.
Napili rin bilang Best AM Radio Station ang DZBB Super Radyo 594.
Nasungkit ni Ms. Eugene Domingo (Celebrity Bluff) ang award bilang Best Game Show Host at Best Child Performer for TV naman si Chlaui Malayao (Daig Kayo ng Lola Ko).
Pinarangalan din si Mr. Michael V. (Pepito Manaloto) bilang Best Comedy Program Actor at Best Comedy Program Actress naman ang kanyang kaparehang si Ms. Manilyn Reynes (Pepito Manaloto).
Most Promising Female Star for TV naman si Kyline Alcantara.
Gaganapin ang araw ng parangal sa October 5, sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall sa University of Perpetual Help System DALTA sa Las PiƱas City.