What's Hot

Kris Aquino on her "gift" to Sharon Cuneta: "What gift are you talking about?"

By Aedrianne Acar
Published September 3, 2018 1:41 PM PHT
Updated September 3, 2018 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Ayaw magpadikta ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa ano mang sasabihin ng kaniyang bashers.

Ayaw magpadikta ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa ano mang sasabihin ng kaniyang bashers.

READ: Kris Aquino, nag-react sa pagtatanggol sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta

Ito ang matapang na pahayag ng celebrity TV host/actress sa naging komento ng isang netizen patungkol sa regalo na diumano'y ibinigay nito sa Megastar Sharon Cuneta.

'Tila nagulat pa si Kris na pinayuhan siya ng netizen na may Instagram handler @mariacincollagas14 na baka ulanin siya ng pambabatikos sa ibinigay niyang regalo sa Megastar.

“What gift are you talking about??? Buti ka pa alam mong may gift akong pinadala,” ang sagot ni Kris sa komento ng nasabing netizen.

Ayon sa veteran TV host na walang magagawa ang kaniyang mga bashers kung ano ang gagawin niya sa kanyang pera at kung sino ang mga tao na gusto niyang regaluhan.

“Kung may gusto kong padalhan ng anything - since pera ko naman na pinaghirapan - super care bears. Those who hate me will always choose to see the bad in me, in anything I do,”

Matatandaan na ipinagtanggol ni Sharon Cuneta si Kris sa mga taong nangmamalit sa role niya bilang Princess Intan sa box-office Hollywood movie na Crazy Rich Asians.