Teejay Marquez misses 'Walang Tulugan' co-star Sanya Lopez
Parehong gumagawa ng sari-sarili nilang pangalan sa industriya ang mga dating bituin ng defunct Kapuso program na Walang Tulugan na pinangungunahan noon ng batikang starmaker na si German 'Kuya Germs' Moreno.
LOOK: Indonesian Bae Teejay Marquez visits 'Sikat sa Barangay'
Meet the Dubsmash King of Indonesia, Teejay Marquez
Kamakailan lang ay nagkaroon ng mini reunion ang dating cast members nito na sina Sanya Lopez at Teejay Marquez.
Sa Instagram post ni Teejay, sobra raw niyang na-miss at very proud siya kay Sanya.
Nakilala nang husto si Sanya matapos siyang bumida sa higanteng telefantasya series na Encantadia at nasundan pa ito ng Kapuso afternoon soap na Haplos.
Napanood naman dati si Teejay sa youth-oriented show na Tween Hearts.
Sikat din ang guwapong aktor sa bansang Indonesia at nakilala sa mga patok niyang dubsmash videos. Isa pang Pinoy talent na popular din sa bansang ito ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.