Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Kris Tetay, may hugot sa maling gamit ng ilang salita sa wikang Filipino

By Marah Ruiz
Updated On: August 17, 2018, 05:05 PM
Panoorin kung ano ang common mistakes sa wikang Filipino sa tulong ni Tetay sa #SaTotooLang.

Para sa Buwan ng Wika, isang espesyal na digital feature ang hatid ng komedyanteng si Tetay.

Sa online exclusive video, tinalakay niya ang wastong gamit ng ilang mga salita sa wikang Filipino.

"Araw-araw, libo-libong mga Filipino ang mabibiktima ng 'fake use' o maling paggamit ng wikang Filipino. Dahil nakasanayan na, unti-unting dumarami ang mga tumatangkilik sa 'malingguwahe.' Mga Kapuso, panahon na para itama ito," panimula niya.

Para ipaliwanag ang tamang gamit ng mga salitang "pa lang" at "palang" na madalas mapagpalit, idninaan niya ito sa nauusong hugot lines.

"Ang paggamit ng 'pa lang' at 'palang,' parang pakikipagrelasyon lang 'yan. Linawin ang ibig sabihin, para hindi mabigyan ng ibang kahulugan," aniya.

"Kapag oras o bilang ang tinutukoy, magkahiwalay na 'pa lang' ang gamitin. Ang 'palang' na magkadikit, pinagsama lang naman na 'pala' at 'ng,'" paliwanag ni Tetay.

"Halimbawa: Siya pa lang ba ang lalaking naging sweet sa 'yo? Naku, linawin mo, baka mamaya wala palang kayo," pagpapatuloy niya.

Alamin ang iba pang common mistakes sa wikang Filipino sa tulong ni Tetay sa #SaTotooLang:

Video courtesy of GMA Public Affairs

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.