Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Joyce Ching, ano ang isa pang pangarap bukod sa pagiging aktres?

By Bea Rodriguez
Updated On: July 30, 2018, 06:58 PM
Kamakailan, nagtapos ng Bachelor of Arts in Film ang 'The Stepdaughters' star na si Joyce Ching. Puwede na raw niyang sundan ang isa pa niyang pangarap bukod sa pagiging aktres, ang maging isang direktor.

Kamakailan, nagtapos ng Bachelor of Arts in Film ang The Stepdaughters star na si Joyce Ching. Puwede na raw niyang sundan ang isa pa niyang pangarap bukod sa pagiging aktres, ang maging isang direktor.

“Sobrang saya at sobra talaga akong relieved, parang finally tapos na 'yung college, and sobrang laking fulfilment talaga,” kuwento ng chinita actress kay GMA entertainment reporter Nelson Canlas sa Balitanghali.

Pamilyar na kay Joyce ang mundo na kanyang ginagalawan ngunit ngayon raw ay mas may alam na siya mula sa pagiging production assistant hanggang sa tagapamuno ng set, “Noong nag-start na akong mag-aral, nalaman ko kung ano 'yung jobs talaga ng mga tao, sobrang mas naging appreciative ako sa lahat ng tao sa set.

Akala ng aktres ay hindi na posible na makamit niya ang kanyang pangarap na magtapos ng kolehiyo dahil mahirap raw talagang pagsabayin ang pag-aaral at showbiz.

“After ng taping didiretso na ako sa school. Sa set na ako maliligo ta's diretso na sa school. As in ganun 'yung Monday to Friday routine ko pero noong fourth year na, medyo mas mahirap kasi nandiyan na 'yung thesis ta's sabay-sabay. Dumating na ako sa point na parang 'di ko yata kayang tapusin o parang ayoko ko na,” ani ng Kapuso star na nagpursige para masungkit ang kanyang pangarap na maging isang direktor.

Video from GMA News

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.