Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: Ano ang nangyari nang magkita si John Estrada at boyfriend ng anak na si Jake Vargas?

By Aedrianne Acar
Updated On: July 26, 2018, 12:33 PM
Nang mag-guest si John Estrada sa 'Pepito Manaloto,' ano kaya ang nangyari nang magkita sila ni Jake Vargas sa set?

Nagkuwento ang Kapuso versatile actor na si John Estrada kung paano siya maging tatay sa mga anak niya sa ex-partner na si Janice de Belen.

READ: John Estrada reveals reason for signing with GMA Network

Apat ang naging supling nina Janice at John na sina Inah, Moira, Kaila at Yuan.

Umamin ang aktor/comedian sa panayam ng miyembro ng entertainment press sa grand media conference ng Victor Magtanggol last July 23 na hindi niya ganun kaistrikto sa mga anak.

IN PHOTOS: 'Victor Magtanggol' holds media conference

Paliwanag ni John, “Akala ko, sa apat kong unang anak, akala ko istrikto ako, pero may paglulugaran din pala ‘yung pagiging istrikto. Noong bata ‘yung mga ‘yun, sinasabi ko sa sarili ko magiging mahigpit akong tatay sa mga to kasi karamihan babae lahat.”

Dagdag niya, “Pero nung lumaki na sila parang tulad ni Inah [de Belen] may Jake [Vargas], medyo hindi naman ako ‘yung oo sige!, okay yan! Hindi naman.”

Ayon din kay John, natutunan niyang intindihin ang point of view din ng mga bata lalo na pagdating sa pag-ibig.

“Tingin ko kailangan ko maintindihan kung saan nanggagaling ‘yung anak ko, kailangan ko maintindihan kung bakit siya nagmamahal [laughs].”

Hindi naman din daw siya nagulat nang finally umamin si Inah de Belen na boyfriend na nito si Jake Vargas.

Binigyan niya din ng advice ang panganay na babae na huwag magmadali at i-enjoy ang kanilang relasyon.

“Hindi naman gulat, ano lang, sabi ko lang sa kaniya eh siyempre ilang taon na rin ‘yung anak ko, nagpapahiwatig na baka eto na ‘yun. Sabi ko, ‘di mag-enjoy lang muna kayo kasi ang dali mag-asawa.”

Pero agad nilinaw naman ni John Estrada na walang pahiwatig si Inah de Belen na gusto na niya lumagay sa tahimik.

“Hindi naman, pero alam mo na rin papunta na dun yun ilang taon na rin anak ko.”

Kamusta naman ang naging pagkikita nila ni Jake Vargas sa taping ng isang Kapuso sitcom?

“Na-meet ko naman, guest ako sa Pepito Manaloto…Hindi eh, walang chance [mag-one on one].”

Magsisimula nang maghasik si John ng takot at dilim sa primetime. Kaya tutukan ang mahusay na pagganap ni John Estrada bilang Loki sa grand pilot episode ng higanteng telefantasya series na Victor Magtanggol this July 30 sa GMA Telebabad!

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.