
Nagbabalik-Kapuso ang aktor na si Wendell Ramos sa bagong drama ng GMA na Onanay.
Sa kanyang guesting sa Tonight With Arnold Clavio kung saan nakasama niya ang kanyang best friend for 20 years na si Antonio Aquitania, tinanong siya ng host ng show na si Arnold Clavio kung posible ba siyang bumalik sa Bubble Gang at mapapanood na ba muli ang sikat na grupo ng comedy show na "Sex Balls."
WATCH: Wendell Ramos at Antonio Aquitania, nasubukan ang friendship
Ani ng aktor, "Bakit hindi, actually gustong-gusto ko talagang bumalik sa Bubble Gang dahil ang tagal ko nandun."
At bakit nga ba hindi? Bukod sa drama, magaling rin sa pagpapatawa at riot din pagdating sa kulitan si Wendell Ramos.
Panoorin ang prueba sa guesting niya sa Tonight With Arnold Clavio: