Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

LOOK: David Licauco, napahanga ang fan dahil sa pagbibigay ng panahon sa gitna ng kanyang busy schedule

By Maine Aquino
Ang fan na si Krystel ay nagkuwento tungkol sa paghaharap nila ng kanyang idolo na si David Licauco.

Ang fan na si Krystel Anne Waje Luna ay nagbahagi ng kanyang kuwento sa kanilang paghaharap ng kanyang idolo na si David Licauco at kung bakit punong-puno siya ng paghanga sa aktor.

Ayon sa kanyang appreciation post sa Instagram account na @princesskrysteta, "First thing in the morning I saw your my day, and I'm really surprised to see na you're here around Pampanga and hindi lang yun, nandito ka kung saan kame palagi ng family ko nag-stay. I got really sad to know na you're really near, yet so far. So nag-my day ako yung sayo, then boom."


Ani Krystel, hindi niya inaasahan na sasagutin ni David ang kanyang post. "I decided to screencap and tag you in my My Day, I didn't expect na magrereply ka through my post in instagram. Edi lalo naging hyper yung pusong fangirl ng lola niyo HAHAHA."

Nawalan na umano ng pag-asa si Krystel dahil sa kanyang paghihintay ngunit pursigido talaga siya na makipagkita kay David sa taping ng Kapag Nahati ang Puso. "At first tinanong kita dun sa isa sa production ata yun tas sabi niya pa "Ano mo ba siya? Friend o baka naman boyfriend mo?" tas nagsmile lang ako Hahaha feel ko e charot pero inside "fangirl lang ho, sana nga po eh."

Handa na sanang umuwi si Krystel pero sumagot muli si David sa kanya. Dito ibinahagi ni Krystel ang encounter nila ng kanyang idol na kanyang ikinakilig. Aniya, "Nag-chat ka ulet sa may harap nalang ng hotel then yun na. Totoo ka nga hahahacharoot It is my first time seeing my idol na personal at kami lang kausap walang ibang fans. Yung siya mismo nagtatanong "Taga-san kayo? San kayo nag-aaral? Etc." May pa free hugs pa si mayor This time, it's for REAL."


Nagpasalamat si Krystel dahil nakita niya si David two months bago ang kanyang debut. Saad niya sa kanyang post, "Thank you for this day @davidlicauco, you made it more than just a dream! Good luck sa career mo! Hope to see you soon, again! Ps. Exactly 2months before my debut, I saw u. How I wish u can come!"

Nag-comment naman si David sa post ni Krystel.

 

 

Ilang beses na ring nagkaroon ng memorable encounters ang mga fans ni David. Isa sa mga ito ay ang date kasama ang fan na si Fritz at ang pagpapaunlak ng selfie sa isang fan sa 2018 Eddy Awards

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.