What's Hot

Bea Binene, willing magparaya sa love life?

By Bianca Geli
Published July 12, 2018 4:48 PM PHT
Updated July 12, 2018 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Allyson Hetland named Pampanga's rep for Miss Universe Philippines 2026
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang sagot ni Bea Binene sa tanong na kaya ba niyang magparaya sa usaping love life.

Masaya raw sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay ngayon ang Kapuso actress na si Bea Binene. Lalo na ngayong tahimik ang kaniyang love life at malapit na umere ang kaniyang upcoming drama na Kapag Nahati Ang Puso.

Pero paano na lang kung mangyari sa kaniya sa totoong buhay ang nangyari sa karakter niyang si Claire na na-in love sa lalake na dating naging kasintahan ng babaeng malapit sa kaniya? Willing kaya siya magparaya para sa pag-ibig?

Aniya, “Well, parang hindi pa po ako makapagsalita ngayon kasi ‘di ko pa po ma-imagine kasi hindi pa po sa akin nangyari ‘yan pero siguro lahat naman nadadaan sa maayos na usapan as long as may respeto pa rin kami sa isa’t isa tingnan natin kung ano ang mangyayari.”

Kahit malaking role ang gagampanan ni Bea, na makakasama ang big stars na sina Sunshine Cruz, Bing Loyzaga, at Zoren Legaspi ay confident at masaya pa rin daw siya at ang buong cast.

“Okay naman po ['yung cast], masaya ngayon, ang relaxed ng mga tao even the production team ang chill lang sa taping.”

Bea Binene, mas piniling maging tahimik sa kanyang love life