Filtered By: Showbiz News | News
IN PHOTOS: GMA Afternoon Prime's damsels in distress
Hinihintay ng mga karakter na ito mula GMA Afternoon Prime dramas na sagipin sila ng kanilang mga knights in shining armor. Mapapagtanto kaya nilang kaya nilang sagipin ang kanilang mga sarili?
Diana
Ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay ni Diana ng 'The Half Sisters.'
Ashley
Simula nang maging mabait si Ashley, kabilang na rin siya sa mga gustong paghigantihan ng mga masasamang loob.
Rina
Hanggang ngayon ay kailangan pa rin ng tulong ni Rina para makalaya siya dahil wala raw siyang kasalanan sa pagkamatay ni Magnolia.
Celine
Dahil si Celine ng 'Buena Familia' ang panganay, pasan niya ang lahat ng problema ng kanyang mga kapatid.
Joey
Sa 'Destiny Rose', iniligtas ni Vince (Jeric Gonzales) si Joey (Ken Chan) mula sa pangbubugbog ni Lance (JC Tiuseco).
Daisy
Si Gabriele (Fabio Ide) ang nagdala kay Daisy (Manilyn Reynes) sa ospital nang atakihin ito sa puso.
Louisa
Sinagip ni Alfredo si Louisa mula sa kahirapan, ngunit patuloy pa rin ang paghihirap niya sa mga anak at apo ng kanyang asawa.
Ana
Ang dami nang pinagdaanan ni Ana—na-kidnap, naging feral child, at bumalik na sa tamang pag-iisip, ngunit patuloy pa rin siyang inaalipusta ng mga nakapaligid sa kanya.