WATCH: Ang paglobo ng dibdib ni Jonalyn sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Sa timbang na 67 kilos ni Jonalyn, umaabot ng 52 inches ang kaniyang hinaharap. Payat at maliit lamang daw ang dibdib niya noon, ngunit ngayon mistula na itong dalawang bola ng basketball.
Kuwento niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), “Mas malaki pa ‘yung dibdib ko kaysa tiyan... Nahihirapan akong yumuko, ang bigat kasi.”
Nakakasagabal na rin daw ito sa araw-araw na gawain ni Jonalyn. “Sa sobrang bigat, hindi na ako makagalaw. Kapag naliligo ako, nahihirapan din ako. Kapag matutulog ako hindi ko alam kung ano'ng posisyon ‘yung gusto ko.”
Dagdag pasakit din sa kaniya ang panghuhusga ng mga tao. “Marami pong tao ang nagugulat kapag nakikita ako kaya po ngayon hindi ako lumalabas kasi kahit mga bata, tinitingnan ako.”
Hinala ni Jonalyn, ang kaniyang sunod-sunod na pagbubuntis mula noong 2010 ang sanhi ng paglobo ng kaniyang dibdib, kaya ipinasuri ng KMJS ang misteryosong kalagayan ni Jonalyn sa isang espesyalista.
Ano kaya ang tunay na karamdaman ni Jonalyn? Panoorin sa KMJS:
Video courtesy of GMA News
WATCH: Ang lalakeng may ngipin sa ilong sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'