
“Please Kris, tama na, sobra na, kuha na ang point,” ang pakiusap ng veteran showbiz commentator na si Lolit Solis kay Queen of All Media Kris Aquino.
Dapat daw talagang piliin lang ng TV host ang kanyang mga papatulang tao at issue, at panatilihin ang pagiging “expensive” fighter nito.
WATCH: Kris Aquino to Mocha Uson: "Face me anywhere... Bring all your followers"
“Be the Kris Aquino of the old days [na] sweet brat, naughty, but no mean bones [at] lovable talkative baby ng showbiz,” saad ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.
Naiintindihan raw ni Lolit ang sentimento ni Kris na idinamay pa ni PCOO Asec. Mocha Uson ang kanyang patay na ama na si dating Senador Ninoy Aquino sa social media post nito.
Ngunit, kailangan na raw ni Kris mag-move on dahil inayunan na siya ng taumbayan at nagpaumanhin na sina Presidente Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go.
READ: President Duterte confirms apology to Kris, but won't make Mocha say sorry
Katulad raw ng mga anak ng dating presidente na si Ferdinand Marcos, no reaction na sa mga bumabatikos sa kanilang pamilya.