Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Iya Villania, ikinuwento ang nangyari sa kanilang awkward encounter ni Wil Dasovich

By Maine Aquino
Updated On: June 4, 2018, 05:11 PM
"Kung hindi ako nag-stay para intindihin kung ano 'yung ibig niyang sabihin baka 'yun 'yung..." alamin ang paliwanag ni Iya Villania sa awkward moment nila ni Wil Dasovich nang sabiin nitong "My dream is to be your husband" sa Chika Minute host.

Sinagot na ni Iya Villania ang nakakatawang encounter nila ni Wil Dasovich sa isang event.

Sa isang video ni Wil ay nakaharap niya si Iya na asawa ng kanyang idol na si Drew Arellano. Sa kanyang pagpapakilala ay nasabi ni Wil na "My dream is to be your husband" na ikinagulat ng fellow VJs ni Iya na sina Luis Manzano at Nikki Gil. Mas pina-awkward pa ang sitwasyon na ito dahil sa katabi rin ni Wil ang kanyang girlfriend na si Alodia Gosiengfiao.

Natatawang ikinuwento ni Iya ang nangyari sa ginanap na press conference ng kanilang bagong show ni Drew na San Miguel Pure Foods Home Foodie, "Ang ibig sabihin ni Wil, hindi naman sa gusto niyang maging asawa ko. Gusto niyang maging Drew Arellano bilang isang travel host. 'Yun ang ibig niyang sabihin."

Ibinahagi rin ng Kapuso personality na mabuti na lamang at nag-stay siya para maintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ni Wil.

"Kung hindi ako nag-stay para intindihin kung ano 'yung ibig niyang sabihin baka 'yun 'yung iisipin talaga. I asked him, what do you mean? And then inexplain niya kasi nga nanganak ako kay Primo, nainggit si Drew kasi todo 'yung bonding moments namin ni Primo. Eh bigla siyang nag-post na I want to end my travel show so I can always stay home with my son. Eh 'yung mga fans ni Wil, 'yung mga fans and supporters niya were asking you might be interested. Siyempre 'di nila alam na joke or hindi totoo 'yung post ni Drew na aalis siya sa travel show niya."

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.