Marian Rivera, suportado si Dingdong Dantes sa premiere night ng 'Sid & Aya'
Kasama ni Dingdong Dantes ang kanyang asawang si Marian Rivera sa premiere night ng Sid & Aya, kung saan bida siya at ang aktres na si Anne Curtis.
Ani ng aktor, "Nagpapasalamat ako sa kanya (Marian Rivera) dahil nandito siya para suportahan ako. And always naman na 'yung inspiration ko sa trabaho ko nagmumula sa kanila, sa kanila ni Zia."
Bukod kay Marian Rivera, todo support din sina Solenn Heussaff, Raymond Gutierrez, Liz Uy, Benjamin Alves, Gabby Eigenmann, at Jasmine Curtis Smith.
Natutuwa rin si Dingdong dahil nakapag-shoot sila sa Japan para sa film. Ika niya, "First time ko mag-shoot ng pelikula sa ibang bansa eh. Nagkataon nandun pa sa lugar kung saan gustong-gusto ko puntahan kasama ang pamilya ko. 'Yung Japan."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News