WATCH: Ang lalakeng may ngipin sa ilong sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Laging itinatago ng 18-anyos na si Ersan ang kaniyang ngipin kapag ngumingiti dahil sa isang lihim. Ang ngipin niya, hindi tumubo sa loob ng kaniyang bibig, kundi tumubo sa kaniyang ilong.
Kuwento ni Ersan sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), walang taong gulang lamang siya noon nang may nakapang bukol sa loob ng kaniyang kaliwang ilong na sinliit lang daw ng butil ng bigas. Mula noon ay patuloy na itong lumaki na parang normal na ngipin.
Ayon sa ama ni Ersan, may maliliit na ngipin na raw ito noong siya ay sanggol pa lamang.
Maliban sa kakaibang istruktura ng kaniyang mga ngipin sa bibig, at ang tumubong ngipin sa kaniyang ilong, marami rin daw siyang nararamdaman na sakit. “Sumasakit po ‘yung ilong ko, pati ‘yung mga ngipin ko sumasakit.”
Takot din si Ersan na tuksuhin dahil sa kaniyang itinatagong ngipin sa ilong. “Nahihirapan po akong magsalita. Minsan nakayuko pa po ako magsalita. Lagi po akong may dalang panyo.”
Ang hiling ni Ersan, matanggal ang ngipin sa ilong na siyam na taon na niyang i tinatago. Ngunit kapos sa pera at maraming ospital ang tumanggi sa kaniyang kondisyon na tinatawag na ectopic tooth eruption.
Panoorin kung paano namuhay at nakahanap ng lunas si Ersan sa KMJS. Paalala, maselan ang video na inyong mapapanood.
Video courtesy of GMA Public Affairs
WATCH: Beauty and the Bae, ang kilig prom story sa 'KMJS'