
Kaka-announce lang ni Heart Evangelista na she's pregnant with Chiz Escudero's baby. Although ikinalulungkot niya ang nangyari sa one of her twins, very thankful pa rin ang aktres sa blessing na naibigay sa kanila.
READ: Heart Evangelista explains the reason why she lost one of her twins
Nagkuwento pa nga ang aktres tungkol sa kanyang morning sickness, cravings, at ang balak niyang ipangalan sa kanyang baby sa isang interview ng 24 Oras.
Aniya, "[Sa morning sickness], 'yung damit ko, parang mas gusto ko na bago or na-dry clean kasi nahihilo ako sa detergent."
Dagdag naman niya, may cravings siya sa anything white tulad ng milk, white bread, etc. Ika niya, "I don't know, it's weird, [but] it's exciting."
Ano naman kaya ang balak niya ipangalan sa magiging anak nila? Ani ng aktres, "I do plan to name him after Chiz, so Francis siguro kapag lalaki. 'Pag babae naman, I think I have to put more thought into that."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News