WATCH: Benjamin Alves, may payo sa mga estudyante para magtagumpay sa pag-aaral
A post shared by Alves, Benjamin. (@benxalves) on
Nananatiling ambassador ng GMA Network Excellence Award (GNEA) si Kapuso star Benjamin Alves. Ito na ang kanyang pangatlong taon na i-represent ang programa ng Kapuso network para sa mga outstanding graduating students ng bansa.
“Having the honor of being chosen again to be able to select the students who have also given their time to reach a certain level of excellence [that] not many can attain, I’m very, very excited to see the students, to hear their story, and their journey to excellence,” kuwento ng aktor sa panayam ni Lhar Santiago sa Unang Hirit pagkatapos niyang i-renew ang kanyang kontrata.
Dati nang ibinahagi ni Ben ang kanyang academic achievements. Bago niya pinursue ang kanyang acting career, nagtapos siya bilang Summa Cum Laude sa kursong English Literature sa University of Guam.
Bilang parte ng panel ng GNEA, marami na siyang mga straight A students na nakikilala mula 2015.
Payo ng ating ambassador sa mga estudyante, “Excellence isn’t easy talaga. It takes a lot of time, a lot of discipline, [and] a lot of sacrifices.”
Ibinahagi rin ng Kapuso hunk ang kanyang planong mag-aral at magturo.