EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, never daw magbabago sa kabila ng kasikatan
Patuloy ang pagsikat ni Kyline Alcantara bilang isang aktres at singer, at pangako ng batang Kapuso star na hinding-hindi raw siya magbabago.
Marami ang humahanga sa husay ni Kyline sa pag-arte at pagkanta kaya naman tuloy-tuloy din ang pagpasok ng proyekto para sa kanya.
Pag-amin niya, “Feeling ko somehow pressured na din naman ‘coz ang dami nang nag-e-expect pero hindi ko kasi siya iniisip.. hindi ko pinapasok sa utak ko ‘yung pressure para hindi rin ako ma-stress. Iniisip ko lang siya na ginagawa ko ‘yung trabaho, ginagawa ko ‘yung gusto ko.”
Overwhelmed din daw ngayon si Kyline sa itinatakbo ng kanyang career.
“Of course, natural naman na siguro ‘yun pero ayun na nga. Sabi ko nga sa kanila, sabi ko sa manager ko, sa handler ko na bigyan niyo lang ako ng bigyan ng trabaho, hindi ako magrereklamo. Hindi ako mapapagod kasi matagal-tagal na rin naman akong napahinga and I’m ready sa lahat ng ibibigay nila sa akin and hindi ako magrereklamo na pagod ako,” wika niya.
Dagdag pa niya, lagi pa rin niyang isinasapuso na huwag maging mayabang sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
Paglinaw ni Kyline, “Maybe I’m changing but for the better pero like sa pakikitungo? No. Pakiramdam ko naman hindi ako magbabago kasi andyan naman ‘yung mga relatives ko especially my parents para gabayan ako, para paalalahanan ako lagi."
"And syempre, si God. Even though hindi ko naman siya naririnig sa prayers ko, naririnig ko siya na ‘yun, ‘Always keep your feet on the ground.’ and I’ll promise that,” patuloy niya.