
Kinagigiliwan sa Instagram ngayon ang throwback videos ni Kyline Alcantara kung saan inawit niya ang mga kantang "The Climb," "Grow Old With You," at "Let It Go."
Napahanga ang ilang netizens dahil kaya na niyang bumirit sa murang edad. Ni-repost ang mga ito ng kanyang fan club na 'Kyline Babies' at umani kaagad ng libu-libong views sa Instagram.
Narito ang mga video:
Bata pa lamang si Kyline ay pangarap na niyang maging singer kaya malaki ang kanyang pasasalamat noong pumirma siya ng recording deal sa GMA Records noong April 10.