
Ngayong ganap na Kapuso na si Zoren Legaspi, marami ang nag-aabang kung sino ang makakatambal ng aktor lalo na at napapanood din ngayon sa GMA Network ang kanyang asawang si Carmina Villarroel.
IN PHOTOS: Zoren Legaspi, at home with GMA Network
Kuwento ni Zoren sa exclusive interview ng GMANetwork.com, looking forward siya na makatrabaho si Carmina ngunit may alinlangan din daw siya.
“Syempre nandun ‘yung concern niya na ‘Galingan mo acting mo ah.’ Ako din, ganyan sa kanya, ‘’yung acting mo ayusin mo dito.’ So parang nagiging director kami sa bawat isa so ‘yun nagiging friction whenever we work together but masaya naman dahil magkasama na kayo sa set, sabay kayo uuwi,” paliwanag niya.
Sambit din ng aktor, hindi siya namimili ng kanyang makakatrabaho kahit ang kanyang magiging leading lady.
Wika ni Zoren, “Maraming talented sa Kapuso and ako naman ever since na nag-artista hindi naman ako pihikan sa ka-partner. Ang obligation ko is paano ako babagay doon sa ipina-partner sa akin.”
Dagdag din niya, hindi siya naiilang kung mas nakababata ang kanyang makakapareha tulad nina Solenn Heussaff sa Encantadia at Sunshine Dizon sa Ika-6 Na Utos.
“It doesn’t matter kung younger or older. You have to remember na we’re in the entertainment industry so we’re here to entertain people, we’re here to portray a role. Kaya ‘yun, it doesn’t matter as an actor,” diin niya.