EXCLUSIVE: Isabelle de Leon shares her difficulties of transitioning from child star to mature actress
Maraming nagulat na isa ng sexy at mature lady ang dating Kapuso child star na si Isabelle de Leon.
Sino ba ang hindi makakalimot sa cute chikiting na gumanap na Duday sa hit sitcom na “Daddy Di Do Du” na pinagbidahan ni Bossing Vic Sotto.
Sa one-on-one interview ng actress-singer sa GMANetwork.com, umamin ang magadang dalaga na hindi naging madali ang pag-transition niya mula child wonder to a mature woman.
Paliwanag niya, “Sabi nga ni Alma Moreno dasal lang talaga [laughs]… Lalo na ‘yung adolescence period, you have puberty, pimples, breakouts, ‘yung weight mo. Eh lalo na sa TV kung sa TV ka lumaki alam nila na ‘Ay wala pala siyang leeg’”
“Mahirap magdalaga na eh lalo na sa harap ng harsh na camera, kailangan mong always at your best. So 'yun lang naman, mahalaga naman what sustains is your passion,” dagdag ni Isabelle.
Binigyan diin naman ni Isabelle na mahalaga daw sa isang aktor na mag-evolve at hindi mapako sa isang image.
“As an artist, you keep on evolving, so if you start out as an actress drama, shift ka sa comedy and just keep evolving and discovering you’re strengths and you’re weaknesses. And you keep pushing that boundary, so I believe 'yun lang naman po ‘yung akin naging parang motivation.”
Tutukan si Isabelle De Leon sa highly-anticipated musical/romcom series na My Guitar Princess soon on GMA-7!