What's Hot

EXCLUSIVE: Inah de Belen, sinabing pwede nang magka-boyfriend si Bianca Umali

By Bea Rodriguez
Published March 19, 2018 6:25 PM PHT
Updated March 19, 2018 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang payo ni Inah de Belen sa debutante na si Bianca Umali? Alamin!

 

 

Dalaga at nasa edad na raw ang Kambal, Karibal star na si Bianca Umali para magka-love life, ayon sa kanyang gym buddy at kapwa Kapuso star na si Inah de Belen.

“Actually, pwede na, 18 na siya! Pero, huwag naman siyang magmadali. Kahit 18 na siya, siyempre, it’s a new chapter in her life. She’s already an adult so huwag naman siyang magmadali. Take your time, and enjoy the moment. Huwag kang magmadali mag-grow up,” payo niya sa young actress na nag-debut noong Sabado (March 17).

Makakayanan raw ni Bianca ang mga hamon, hindi lang sa buhay pag-ibig kundi pati sa karera. Kuwento niya, “Knowing Bianca, ang nakikita ko sa kanya, she has a very, very tough personality which is good. In this kind of business, iyon talaga ang kailangan mo. You really need to stand on your own. Ipagpatuloy lang niya iyan, and she will go a long way.”

Ayon kay Inah, very sweet raw sina Bianca at love team nitong si Miguel Tanfelix sa gym, “Very normal lang sila, and nakakatuwa silang tingnan talaga. You can say na they genuinely care about each other which is good.”

Samantala, nagkuwento rin ang dalaga sa GMANetwork.com patungkol sa buhay pag-ibig nila ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas, “Okay naman kami ni Jake. [We’re] very happy, very smooth sailing.”

Isang taon at limang buwan na raw ang kanilang relasyon, “Sobrang bilis nga eh. We’re just enjoying each other’s company. Kahit we’re in a relationship, we’re not rushing it, parang go with the flow lang din which is something I want also.”