WATCH: Kyline Alcantara, fitspiration si Bianca Umali
Ngayong 18 years old na si Bianca Umali, mas confident na siyang ipakita ang kanyang beach-ready body. Kamakailan lang ay umani ng papuri online ang kanyang sexy photo habang siya'y nasa beach. Hindi naman maiwasang magkomento rito ng kanyang Kambal, Karibal co-star na si Kyline Alcantara.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Kyline sa thanksgiving party ng Kambal, Karibal, sinabi niyang fitspiration niya si Bianca.
"Ang liit nga po ng bewang niya du'n. Honestly po, simula po nu'ng nakilala ko si Bianca, parang naisip ko na gusto ko maging fit gaya niya. Kumbaga, fitspiration ko siya. Walang halong showbiz-ness po," ika niya.
Nagkomento rin si Kyline sa pagiging sweet ni Miguel Tanfelix kay Bianca. Simula kasi noong Linggo, araw-araw may regalo si Miguel sa aktres bilang countdown sa kanyang debut na magaganap sa Sabado, March 17.
Saad ni Kyline, "Ang sweet po, 'di ba? Kahit on and off cam ang sweet po nila. Kinikilig nga po ako eh."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: