What's Hot

WATCH: Terry Gian remembers his humble beginnings in the biz

By Gia Allana Soriano
Published March 12, 2018 3:55 PM PHT
Updated March 12, 2018 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang humble beginnings sa showbiz ng komedyanteng si Terry Gian na kilala bilang si Inday sa 'Sarap Diva.'

Kwela at magaling man magpatawa si Terry Gian bilang si Inday na kasambahay ni Regine Velasquez sa Sarap Diva, may mga pinagdaanan din ang comedian bago magtuloy tuloy ang proyekto niya sa showbiz.

 

Sarap ng ngiti mo dito ate @reginevalcasid. Samahan nyo kming balik-tanawin ang 2017 na puno ng pag-asa at pasasalamat. #Salamat2017SarapDiva SARAP DIVA | Saturdays, 10:30am | GMA Network

A post shared by Terry Gian (@terrygian) on

 

Unang nakilala si Terry sa isang reality talent search sa kabilang network kung saan naghahanap sila ng mga comedians. Naisip ni Terry at ng mga kaibigan niya na sumali, ngunit naging "drawing" ang lakad nila, kaya mag-isang nag-audition si Terry noong 2004.

Aniya, ang nasa isip lang niya noon ay "matapos lang ito," pero one week after biglang naka-receive si Terry ng text na shortlisted na siya.

Hindi rin alam ng pamilya niya na sumali siya sa audition na ito. Ika niya, "Nahihiya ako, eh. Syempre TV 'yun, eh. Isa 'yun sa feeling ko parang nahihiya ako."

Dagdag pa niya, "Ayoko ng sinasabi na may gagawin ako, tapos hindi matutuloy. So, gusto ko 'pag nakita nila, pinapalabas na, so na-surprise na lang silang lahat. So, parang 'yun, ang ganda ng effect sa kanila. Natuwa sila."

Ang kanyang paglabas sa TV ay naging way din niya "to come out." Dito lang din nalaman ng kanyang pamilya ang tungkol sa kanyang sexuality.

 

Abangan ang aking #TunayNaBuhay ngyn Wednesday night 11:35PM aftr Saksi. Thanks @msrheasantos for visiting our home and hving the interview.

A post shared by Terry Gian (@terrygian) on

 

Sa kanyang pagkukuwento ay na-share rin ni Terry na kahit may mga pinagdadaanan siya ay pinipilit niyang ipakita ang strong side niya sa kanyang ina.

Paliwanag niya, "I don't cry in front of her, because I don't want her to feel sad. Ayokong isipin niya at [ayokong panghinaan] siya ng loob kasi siya lang mag-isa doon."

Kaya naman noong mga panahong wala pa siyang projects ulit ay pumasok muna siya ng call center, aniya hindi naman daw din kasi mawawala ang pagbabayad ng bills kaya kailangan muna niya ng regular job habang rumaraket din tuwing weekend.

Nagbigay din si Terry ng mensahe at mga aral na natutunan niya sa kanyang journey sa buhay. Ika niya, "For me, ang aral lang na pwede kong i-share sa mga manonood natin is just live your life everday. Savor every moment. May masasakit d'yan, pwedeng sabihin nila na they wanna give up na because ang sakit na. Pero kinabukasan babalikan mo 'yun, masasabi mo lang na "it just made me strong.""

Panoorin ang buong interview niya sa Tunay Na Buhay: