Regine Velasquez-Alcasid, umaming nahirapan sa pag-perform sa 'R3.0' concert
Sa isang social media post ay umamin si Regine Velasquez-Alcasid na nahirapan siyang mag-deliver ng kanyang best performance sa kanyang "R3.0" concert.
Kuwento ng Asia's Songbird ay nagkaroon siya ng problema sa kanyang boses nang ganapin ang kanyang concert noong October 21 at 22, 2017.
"Out of all my concerts, this concert is one the most memorable one well aside from Silver. My voice was not in its top condition, I was struggling most of my songs. But because I struggle so much now, whenever I sing it made me love singing even more."
A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on
Na-frustrate man umano si Regine sa nangyari ay puno pa rin siya ng pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya kahit na nagkaroon siya ng struggle sa kanyang concert.
Aniya, "Sure I get frustrated and at time nahihiya ako kasi you guys deserve so much more than what I am able to give. So I just want to say thank you again to everybody who watched #R3.0."
Dagdag pa niya ay malaki ang kanyang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang musika sa loob ng 30 years.
"Thank you for being with me through my struggles and most of all, thank you for being with me for the past 30 years. I hope that you watch the part 2 next sunday. #toGODbetheGlory GoodNate."
Ang ikalawang bahagi ng "R3.0" concert ay mapapanood ngayong February 25 sa SNBO pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.
Regine Velasquez's 30th anniversary concert, ipapalabas sa GMA Network