What's Hot

EXCLUSIVE: Neil Ryan Sese, nami-miss ang pagiging maalaga ni Direk Maryo J. Delos Reyes

By Jansen Ramos
Published February 8, 2018 3:16 PM PHT
Updated February 8, 2018 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang ekslusibong panayam, sinariwa ni Neil Ryan ang mga masasayang ala-ala niya sa batikang direktor.

Isa ang aktor na si Neil Ryan Sese sa mga nagluksa sa pagkamatay ng direktor na si Maryo J. Delos Reyes. Binawian ng buhay ang direktor noong January 27 matapos atakihin sa puso habang nasa isang birthday party sa Dapitan City.

Sa isang ekslusibong panayam, sinariwa ni Neil Ryan ang mga masasayang ala-ala niya sa direktor. Hindi raw niya malilimutan ang pagiging maasikaso nito dahil ito na ang tumayong ama niya sa industriya.

Saad niya, “Siya na ‘yung tumayong parang tatay ko, financial adviser, [at] co-manager. Tsaka, maasikaso siya na tao. Halimbawa, nasa taping kami, ‘yung isang eksena mainit o kaya pinawisan ka, he’ll make sure na magpapalit muna [ako] ng t-shirt kasi baka magkasakit ako. Tapos maririnig mo sa boses niya na sobrang caring talaga.”

Nagkasama sila sa mga seryeng ‘Ang Munting Heredera,’ ‘Biritera,’ ‘Pahiram ng Sandali’ at ‘Niño.’ Ma-mimiss daw niya ang pagiging mapagbigay nito lalo na kapag may taping.

“Hindi siya madamot sa food, tapos sabay-sabay kami kumain sa set. ‘Pag masarap ‘yung food, hahayaan ka niyang tikman ‘yung food, ganun siya mag-alaga. Siyempre ma-mimiss namin.”

Ipinost pa niya sa kanyang Instagram account ang huling pag-uusap nila ng batikang direktor na may kinalaman sa kanyang bagong programa sa Kapuso network.

 

Huling usap namin ni Direk Maryo J. Delos Reyes nitong Huwebes. Maryo: O Neil, dito sa bagong project mo, kailangan guapo ka at tsaka macho. Me: Direk, yung maging macho... kaya kong gawan ng paraan. Madali naman mag gym e. Yung maging guapo... todo na to!!!! Maryo: ano bah?! Hihihihi Paalam Direk! Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa amin. Paki kamusta na lang ako kay Sir Jake! Tagay nyo ako dyan!

A post shared by neilsese (@neilsese) on

 

“Huling usap namin ni Direk Maryo J. Delos Reyes nitong Huwebes.

Maryo: O Neil, dito sa bagong project mo, kailangan guapo ka at tsaka macho.

Me: Direk, yung maging macho... kaya kong gawan ng paraan. Madali naman mag gym e. Yung maging guapo... todo na to!!!! Maryo: ano bah?! Hihihihi

Paalam Direk! Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa amin. Paki kamusta na lang ako kay Sir Jake! Tagay nyo ako dyan!”

Malaki ang pasasalamat ni Neil Ryan kay Direk Maryo dahil sa mga proyektong kanyang nagawa. Lubos man siyang nalulungkot sa pagkawala nito, nananatili pa rin siyang positibo dahil napagtanto niyang lahat naman ng tao ay hahantong din doon.