
Pinabilib ng Bubble Gang babe na si Andrea Torres ang mga followers niya sa Instagram nang ipinakita niya ang skill na natutunan niya diumano sa last primetime series niya na Alyas Robin Hood.
LOOK: Jaw-dropping photos of Andrea Torres
Walang kahirap-hirap na binuksan ni Andrea ang naka-lock na pinto nang hindi gumagamit ng susi.
“Putting to good use one of the skills my last role taught me ”
Kahit si Rochelle Pangilinan sobrang napahanga sa mala-palos na skill ni Andrea Torres.
Sunod-sunod din ang reaksyon ng netizens sa nakaka-aliw na video ng Kapuso actress. Ang ilan ay nami-miss na ang karakter niya bilang si Venus.