Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Gil Cuerva, ipinasilip ang kanyang kwarto

By Marah Ruiz
Updated On: January 25, 2018, 04:05 PM
Para sa iba pang detalye ng buhay ni Gil, tulad ng trabaho ng kanyang mga magulang at mga larong kalyeng nasubukan niya, panoorin ang feature sa kanya ng 'Tunay Na Buhay.'

Sa isang espesyal na pagkakataon, binuksan ni Kapuso hunk Gil Cuerva ang kanyang tahanan para sa programang Tunay Na Buhay.

Ipinasilip pa niya ang kanyang kuwarto sa host na si Rhea Santos.

"All my life, I've shared a room with my brother," pahayag niya. 

Puno ng mga collectible figurines at iba't ibang pares ng sapatos ang kuwarto nila. Dito rin itinatago ni Gil ang mga regalong natatanggap niya mula sa kanyang mga fans tulad na lang ng sketches at drawings nila. 

Ipinakita rin ni Gil ang binili niyang LA Lakers jersey ni Kobe Bryant, isang bagay na sentimental para sa kanya. 

"Siguro, mga eight [years old] pa lang ako noon. 'Yan 'yung first jersey na nabili ko. Sentimental value, that's why I held on to it," bahagi niya. 

Bago pa man naging isang model at artista, minsan na rin daw pinangarap ni Gil na maging isang basketball player. 

Para sa iba pang detalye ng buhay ni Gil, tulad ng trabaho ng kanyang mga magulang at mga larong kalyeng nasubukan niya, panoorin ang feature sa kanya ng Tunay Na Buhay

Video courtesy of GMA Public Affairs

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.