LOOK: Rochelle Pangilinan reunites with a former 'Encantadia' co-star
Published On: January 09, 2018, 03:31 PM
Updated On: January 09, 2018, 03:47 PM
Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang matapos ang iconic telefantasya na Encantadia, pero nanatili pa rin ang pagiging malapit ng cast members nito sa isa't isa.
Isa sa mga naging close ay ang gumanap na magkapatid na Hagorn at Agane na sina John Arcilla at Rochelle Pangilinan. Sa Instagram ng aktres, nag-post siya ng larawan nila ng mister na si Arthur Solinap kasama si John.
"May dumalaw sa aming mag-asawa. Salamat sa pa-surprise visit mo at sa pasalubong. Kaka-miss ka kuya! Kwentuhan ulit soon," aniya sa caption.