WATCH: 'Ang Larawan,' muli nang mapapanood sa higit 50 sinehan
Humakot ng awards ang musical film na Ang Larawan sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival, kabilang na ang Best Picture, Best Actress para kay Joana Ampil at marami pang iba.
Ngunit pangalawang araw pa lang ng film festival ay tinanggal na ito sa ibang sinehan.
"Did we lose hope? Never. I always believed in this. We were disappointed that we lost some theaters after day one. But I always believed in this. For some reason I just had it, I just felt it. This is such a beautiful movie and there's a public out there who would want this," pahayag ni Ampil.
Mula 53, bumaba sa 27 ang bilang ng mga sinhen kung saan ito mapapanood. Ngayon, mahigit sa 50 sinehan na ito muling mapanood.
Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News