
Excited na sa nalalapit na Pasko ang Kapuso actor na si Jason Abalos.
Dahil hindi makakauwi sa Nueva Ecija ngayong Pasko ang aktor, ang kanyang pamilya ang babiyahe papuntang Manila para siya ay makasama sa isang celebration.
Kuwento ni Jason kay Nelson Canlas sa 24 Oras, susulitin niya ang kanyang Christmas break mula sa taping ng The One That Got Away. Aniya, "Taon-taon 'yun 'yung nilu-look up mo eh. 'Yung Christmas. May plano kami na umalis, kahit mga three days," saad ng aktor.
Panoorin ang kabuuan ng panayam dito: