What's Hot

Glaiza de Castro's fans, nag-costume ala her past roles for X-mas

By Marah Ruiz
Published December 14, 2017 11:02 AM PHT
Updated December 14, 2017 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ang fans ni Glaiza de Castro nagbihis bilang Pirena, Althea at Grazilda para sa kanilang Christmas party.

Espesyal ang naging Christmas party ng mga fans ni Kapuso singer and actress Glaiza de Castro.

Nag-effort kasi sila na magbihis bilang mga past characters na ginampanan ng kanilang idolo.

Kabilang na rito si Grazilda, Pirena ng Encantadia at Althea ng The Rich Man's Daughter.

"Lahat po 'yun galing sa mga roles ko na nagampanan simula pa nung nag-showbiz ako. Talagang nag-effort sila. Talagang binigyan nila ng oras at pinag-isipan kung ano 'yung magiging costume nila or magiging look nila for tonight," humahangang pahayag ni Glaiza.

Samantala, naghahanda na si Glaiza para sa bago niyang role sa kanyang upcoming serye para sa susunod na taon. 

"Fierce pa rin siya pero magsisimula siya na tamed. Hindi naman siya naive pero aapihin siya. Talagang ayun 'yung magiging cause ng pagsi-seek niya for justice," paglalarawan niya rito. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News