
Naglaan ng oras ang pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Roa Duterte para dumalo sa baptism party ng anak ng mag-asawang Robin at Mariel Padilla.
Ninong ng one-year-old baby girl na si Maria Isabella Padilla si Digong na siyang kumanta sa christening reception party na ginanap sa PSG Compound sa Malacañang Palace.
Nagpasalamat si Mariel sa presence ng coolest ninong, “Maraming salamat po Mr. President or can I say Ninong Digong?”
Ibinahagi pa ng actress sa Instagram ang kanilang family milestone sa pamagitan ng isang video.