Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Cogie Domingo, nagsalita na tungkol sa pagkakasangkot sa droga

By Maine Aquino
Updated On: November 14, 2017, 01:29 PM
Sa 'Kapuso Mo Jessica Soho' nagpaunlak ng isang panayam ang aktor na si Cogie Domingo upang linawin ang issue na nagsasangkot sa kanya sa iligal na droga.

Nagsalita na si Cogie Domingo sa Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa droga.

Sa panayam ni Jessica Soho, nilinaw ni Cogie na limitado lamang ang kanyang puwedeng ibahagi dahil kasalukuyang umaandar ang kaso. Aniya, "As of now, hindi`ko po masabi talaga 'yung buong detalye. Ang masasabi ko po, hindi po totoo 'yung balita."

Ayon kay Cogie, iba ang kanyang mga karakter na ginampanan sa telebisyon at pelikula sa kanyang ginagawa sa tunay na buhay.

"Hindi po totoo 'yun. Siguro po sa TV o pelikula. Pero sa totoong buhay po, hindi po totoo 'yun. Hindi naman po talaga ako gumagamit ng droga."

Dugtong niya, "'Yung mga lumalabas po sa balita, hindi naman po lahat masasabing totoo kaagad. Huwag niyo naman po husgahan kaagad 'yung tao kasi kapag sa inyo po nangyari 'yung ganong bagay, hindi niyo po alam baka kung ano ang magawa ninyo."

Ilang taon nang nakakaraan ay nasangkot na rin sa isyu ng droga si Cogie kaya naman nagsalita na rin siya tungkol dito.

"Sa trabaho natin, ang daming pong ganung tsismis, kung ano-anong sinasabi. Pumatol sa bakla, kung anu-anong negative po. Pero para sa akin po, it's just part of work lang talaga."

Isa si Cogie sa mga artista na dumaan sa drug test nang sinimulan ang war on drugs nitong nakaraang taon. Aniya, "'Yun po 'yung kasagsagan ng mga artista nagpapa-drug test. Sabi ko why not, sa panahon ngayon alam ko po ang ating presidente merong war on drugs and I think it's not a bad idea to take a drug test."

Sa kanyang pinagdaanan ay masaya ang aktor dahil itinuturing niya itong second life.

"Masaya po ako na buhay pa po ako actually and that's number 1 for me. Nagpapasalamat ako sa Diyos na wala po talagang masamang nangyari sa akin and I treat this as my second life po."

Video from GMA Public Affairs

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.