
Punong-puno ang dalawang huling buwan ng taong 2017 para kay Aiai delas Alas dahil maliban sa kanyang kaarawan at nalalapit na kasal, magiging busy rin ang Philippine Queen of Comedy sa kanyang music project.
Sa panayam ni Lhar Santiago para sa Unang Balita, ibinahagi ni Aiai ang ginawang sorpresa sa kanya ng kanyang Sunday PinaSaya family. Ito raw ang kanyang birthday celebration at bridal shower. Dito ay nagpasalamat din siya para sa kanyang panalo bilang Best Actress sa Los Angeles Philippines International Film Festival.
Kung sa mga pagkakataong ito ay nasorpresa raw si Aiai, meron din daw siyang handog na surprise sa kanyang mga tagahanga.
Sambit niya, “May surprise single po ako sa inyo na ilo-launch kaya abangan niyo po ‘yan. Naku, matutuwa kayo. Collaboration po ito.. ako with Ex Battalion.”