Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

READ: 'Super Ma'am' star Shyr Valdez, dinipensahan si Marian Rivera

By Bea Rodriguez
Updated On: October 25, 2017, 04:09 PM
"Walang katotohanan ang bintang na ito kay Marian Rivera at kaya namin patotohanan yan.” - Shyr Valdez

May lumabas na balita sa isang entertainment website tungkol sa negative work attitude ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Ito daw ay ayon sa mga staff ng GMA-7.

 

I came across this page and nakakalungkot ang sinabi nang source na ito sa isang writer. Sa totoo lang, maganda po ang samahan nang lahat nang artista at production nang #SuperMaam ?? ako bilang isa sa cast ay mag papatunay na ang #PrimetimeQueen ay napaka bait sa lahat. Walang arte sa kahit na anong aspeto nang show. Kahit po kumakain na si Yanyan, pero pag tinawag, mag bibihis agad at pupunta na sa set. Kahit papalit palit sya between Super Maam at Minerva, wala sya reklamo. Kahit magtanong kayo sa iba pang cast at production namin, HAPPY SET po ang Super Maam. Ako mismo, sa pangalawang pagkakataon na nakasama ko si Yanyan, #Carmela at itong #Supermaam, mas lalo ko minahal si @marianrivera dahil napaka totoong tao. Walang katotohanan ang bintang na ito kay Marian Rivera at kaya namin patotohanan yan. Bakit ba kase kailangan manira nang ibang tao? Whoever the source is, sana masaya ka sa ginagawa mo. Haaaaaay.... #TheCastOfSuperMaamLovesMarianRivera

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

 

Ilang beses na raw ang aktres mag-pack up sa taping kapag wala siya sa mood magtrabaho mula pa sa kanyang self-titled weekly musical-variety show na Marian hanggang sa pinagbibidahang action-fantasy series ngayon na Super Ma’am.

Ipinagtanggol si Marian ng kanyang Super Ma’am co-star na si Shry Valdez at sinabing walang katotohanan ang mga paninira kay Marian.

“Sa totoo lang, maganda po ang samahan [ng] lahat [ng] artista at production [ng] ‘Super Ma’am.’ Ako bilang isa sa cast ay mag papatunay na ang Primetime Queen ay napakabait sa lahat [at] walang arte sa kahit na anong aspeto [ng] show,” depensa ng aktres sa kanyang Instagram post.

Nakasama na ni Shyr si Marian sa Carmela at mas lalo niya itong minahal. “Happy set” raw ang Super Ma’am at kaya itong patunayan ng ibang cast ng show.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.