
Ngayong engaged na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, nag-uumapaw ang sayang naramdaman nila sa dami ng tao na nagpakita ng suporta sa kanilang relasyon.
Unang inilahad ni Rodjun sa exclusive interview sa GMANetwork.com ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng kanyang ginawang proposal.
"Iba eh, para akong lumulutang. Parang overwhelming 'yung feeling kasi siyempre na nag-yes sa akin si Dianne tapos 'yung feeling na alam mong naka-support pa 'yung family sa 'yo. Na happy sila para sa amin."
Ibinahagi naman ni Rodjun ang kanyang pagka-overwhelm sa natanggap na magagandang mensahe sa kanilang engagement.
"'Yung mga tao parang grabe 'yung mga, ang daming nag-congratulate 'tsaka ang dami nilang magagandang sinabi sa amin ni Dianne, parang naka-support sila so sobrang overwhelming 'yung feeling and blessed talaga. Parang sulit na sulit 'yung 30th birthday ko tapos nakapag-propose ako kay Dianne. Siyempre 10 years na rin kami ni Dianne eh so sobrang happy ako na happy din siya and nag-yes siya sa akin."
Congratulations, Rodjun and Dianne!