What's Hot

WATCH: Alden Richards at Rocco Nacino, nagkuwento ng kanilang karanasan sa pagganap sa Martial Law Special na 'Alaala'

By Bea Rodriguez
Published September 17, 2017 1:16 PM PHT
Updated September 22, 2017 8:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Gaganap ang dalawang Kapuso actors bilang mga surviving victims ng Martial Law.

Tampok sina Kapuso stars Alden Richards at Rocco Nacino sa GMA Public Affairs special na “Alaala: A Martial Law Special” ngayong Linggo (September 18) ng gabi.

Gagampanan ni Pambansang Bae ang papel ni Boni Ilagan, isang Martial Law victim na dinala sa Camp Crame sa edad na 23 at tinorture sa loob ng mahigit dalawang taon. Si Ilagan din ang siyang nagsulat ng kuwento para sa show.

Very challenging raw ito para sa Kapuso actor, “Physically, mentally, psychologically, emotionally, mentally, mahirap ‘yung role.”

Ini-internalize niya raw nang mabuti ang kanyang karakter, “Babasahin ko ‘yung eksena, but I forget about it. I just memorize the lines kasi maganda ‘yung sinu-surprise mo ‘yung sarili mo as the scene unfolds every second. Hindi mo siya paplanuhin eh.”

Samantala, gagampanan naman ni Rocco ang papel ng manunulat na si Pete Lacaba na nakadanas rin ng karahasan noong panahon ng Martial Law.

“May challenge talaga sa amin to be as natural and accurate sa mga kinuwento nila so nakabantay rin sila sa tabi namin [at] pinapanood ang eksena. They were telling us kung ito ba talaga ang nangyari at ilang suntok ang ginawa sa amin…’yung details talaga.”