Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

MUST-READ: Ang hugot ni Kim Domingo sa mga taong "manggagamit"

By Bea Rodriguez
Updated On: August 28, 2017, 10:52 AM
Basahin ang hugot ni Kim.

Malalim ang pinaghuhugatan ng sexy Kapuso star na si Kim Domingo sa mga “taong manggagamit.” 

 

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


Parinig niya sa mga hindi niya tunay na mga kaibigan, “'Yung mga taong nagsalita o may ginawa na hindi maganda [sa akin], sa harap ko man o sa likod. ‘Yung mga taong naalala ka lang kapag may kailangan sila [sa iyo].”
 
Iniiwasan niya raw ang mga ito dahil “walang dahilan para makipagplastikan ako [sa kanila].”
 
Pinipili ng aktres ang mga gusto niyang kaibiganin dahil marami nang dumaan pero nawala rin. Pinapahalagahan niya na lang ang mga taong hindi siya iniwan kahit ano pa man ang nangyari sa buhay niya.
 
“May iilan na nanatili pa ding totoong kaibigan ko [at] sila ang mga taong lubos kong pinasasalamatan dahil bibihira sa mundong ito ang makahanap ng tunay na kaibigan. Para sa akin, di bale ng kaunti ang kaibigan ko basta totoo,” pagtatapos ng Bubble Gang at Super Ma'am actress sa kanyang post.

 

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.