Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Lolit Solis, naikumpara si Kris Aquino kay Sharon Cuneta

By Rowena Alcaraz
Updated On: August 21, 2017, 04:58 PM
Nagbigay ng kanyang saloobin ang beteranang talent manager at showbiz columnist.

Sa gitna ng mainit na issue na kinasasangkutan ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ng dati nitong asawa na si James Yap kaugnay sa diumano ay panggagamit ng huli sa anak nitong si Bimby for publicity, nagbigay ng kanyang saloobin ang beteranang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis.

Panimula ni Lolit: "Bongga si James Yap at Kris Aquino, naungkat ang financial support para kay Bimby. Bigla ko tuloy naalala sila Gabby Concepcion at Sharon Cuneta."

Noon daw ay natatawa ito dahil di niya maisip na isang ang isang megastar ay maghahanap ng financial support na tulad ng sa kaso ni Kris ngayon with James.

"Sasabihin ng ilan ang dami nang pera ng mga nanay na ito bakit pa nanghihingi, financially mas matatag pa nga ang katayuan nila sa buhay bakit pa? Siguro nga it is a matter of principle para sa kanila or let's say para lang alam din ng tatay ang responsibilidad niya sa kanilang anak."

Dagdag na kuwento pa ni Manay Lolit: "Noon ngang Gabby-Sharon, tatawanan n’yo kung magkano ang amount involved, 5K a month lang, as in five thousand ha na pag na-delay padala, ayan na tatawag na attorney ni Sharon kaya sabi ko kay Gabby bakit ‘di pa niya ibigay ng buo na 60K para sa isang taon? Laughing matter dahil sure ako hindi iyon kailangan ni Sharon pero dapat sundin kung ano ang napagkasunduan so understand ko ang ginagawa ni Kris."

Basahin ang buong saloobin ni Manay Lolit.  

 

Bongga si James Yap at Kris Aquino, naungkat ang financial support para kay Bimby. Bigla ko tuloy naalala sila Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. That time natatawa ako dahil ‘di ko maisip isang megastar na naghahanap ng financial support like the case of Kris now with James. Sasabihin ng ilan ang dami nang pera ng mga nanay na ito bakit pa nanghihingi, financially mas matatag pa nga ang katayuan nila sa buhay bakit pa? Siguro nga it is a matter of principle para sa kanila or let's say para lang alam din ng tatay ang responsibilidad niya sa kanilang anak. Noon ngang Gabby-Sharon, tatawanan n’yo kung magkano ang amount involved, 5K a month lang, as in five thousand ha na pag na-delay padala, ayan na tatawag na attorney ni Sharon kaya sabi ko kay Gabby bakit ‘di pa niya ibigay ng buo na 60K para sa isang taon? Laughing matter dahil sure ako hindi iyon kailangan ni Sharon pero dapat sundin kung ano ang napagkasunduan so understand ko ang ginagawa ni Kris. Hindi ko alam kung magkano, tiyak barya rin iyon kay Kris pero dapat sundin ni James ang usapan. Paano kaya iyon ibang ganyan din ang problema, nasisingil kaya iyong monthly support lalo pag jobless iyon partner as in wala project? Hay naku may isang nanalo nga pala sa pa-contest namin na hula sa allowance na give ni Kris. Bahala na si Salve sa kanya, buti na lang lamig ulo Kris, give ang allowance ko. Hah hah hah. Kaya give na James para ‘di siya magalit sa iyo obvious naman na marami ka rin datung. Hah hah hah. @krisaquino @reallysharoncuneta #70naako #lolitkulit #instatalk ????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.