What's Hot

Mark Herras plays bad boy in "Joaquin Bordado"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 18, 2020 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Muling humarap sa entertainment press si Mark Herras para sa grand press launch ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Joaquin Bordado.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day--you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Muling humarap sa entertainment press at sa Philippine Entertainment Portal (PEP) si Mark Herras para sa grand press launch ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Joaquin Bordado, kagabi, February 4. stars Sa bagong series na ito ay gumaganap si Mark bilang bunso at rebeldeng kapatid nina Robin Padilla at Ian Veneracion. "Ibang-iba...sobrang iba. Rebeldeng bunsong kapatid nina Kuya Binoe at Kuya Ian. Tapos, basagulero. Although may dahilan naman po kung bakit ako nagkaganoon, dahil na rin sa mga nangyari sa parents namin noong bata pa kami. "Yun nga lang, first time ko pong gaganap sa ganitong role. At ang masasabi ko lang, masarap...Hindi ko naman po masasabing kontrabida ako rito, it's more on rebelde lang po talaga," paglalarawan ni Mark tungkol sa kanyang role. Bakit niya nasabing mas masarap gawin ang character na ginagampanan niya ngayon? "Kasi po, compared po sa mga character na nagawa ko, normally po talaga palaging pa-tweetums, pa-sweet, di ba? Dito naman, ito ang first time na yung role ko, gago. Palagi akong nasa club, palagi akong umiinom. Hanggang sa naging friend ko si Iwa [Moto] at palagi ko siyang pinupuntahan at kinukulit," sabi ng young actor. Naitanong din kay Mark kung in real life ba ay dumating din siya sa puntong nagrebelde pala siya? "Hindi po. Wala. Never na nangyari sa akin ‘yun," sagot ng binata. Biniro ng PEP si Mark na baka nagiging image na nga niya ang pagiging bad boy since he's actually tagged as "Bad Boy of the Dance Floor" tapos bad boy na rin ang nagiging image niya when it comes to his love life, and now in his role in Joaquin Bordado. "Hindi naman, hindi naman po. Nag-try lang sila ng bagong image. Sabi ko nga po, yung image ko ngayon, different naman sa mga dati kong ginagawa," paliwanag ng young actor. JENNYLYN'S CONCERT. Tinanong din ng PEP si Mark kung bakit wala siya noong nakaraang concert ng ex-girlfriend at dating ka-loveteam niya na si Jennylyn Mercado sa Zirkoh last Saturday night, February 2. Talaga bang sinadya or nagkataon lang na may work siya kung kaya't hindi siya nakarating dito? "May taping po akong talaga," paglilinaw niya. "Dapat surprise po talaga. Pero on the other hand, siguro nga po, okay na rin siguro na hindi ako nakarating. Kasi nagiging isyu po kasi ngayon na parang nakikigulo pa raw ako sa kanila. Kaya siguro, okey na rin sigurong hindi ako nakarating sa concert ni Jen." Bakit nga ba may isyung nakikigulo siya sa dalawa? stars "Hindi ko nga rin po alam," sagot niya. "Siguro po, dahil sa pagbibigay ko ng chocolate drink for pregnant women. Hindi ko rin naman po alam kung bakit nila binibigyan ng ibang meaning, eh, tingin ko naman po, wala naman po akong ginagawang masama kung nagpadala ko ng chocolate drink for Jen. Wala naman po akong ibang intensiyon." Pero bakit nga ba niya naisipang padalhan ng chocolate drink si Jennylyn? "Nagtanong po kasi ako sa EP [executive producer] ko sa My Only Love, kay Tita Camille, napag-usapan namin si Jen. So, tinanong ko sa kanya kung ano ba ang maganda kay Jen na iniinom or kinakain? Tapos, siya nga yung nagsabi na yun [chocolate drink] nga raw.” "So, sabi ko, sige, bibigyan ko. Ako naman, concerned lang ako for Jen and for the baby at hindi dahil sa ex-boyfriend ako, but kaibigan kasi ako ni Jen." Sa palagay niya ba, dahil sa naging gesture niya na yun sa ex-girlfriend, naging dahilan ito para pagselosan ni Patrick Garcia? "Sa tingin ko naman po, wala naman po siyang dapat na pagselosan. Kasi wala naman po akong ginagawang masama. I'm just helping Jen. Nandito lang naman ako to support Jen," diin ni Mark. May mga bali-balitang nagkalalabuan o napapadalas ang mga pagtatampuhan nina Jennylyn at Patrick. Ano ang masasabi ni Mark dito? "Well, sana po ay hindi naman totoo. Sana ay hindi naman matuloy. For the sake of the baby na rin, 'di ba? Siguro dapat lang na mas lalo pa silang maging strong sa love nila. Dahil hayan nga, may baby na nga. So, sana huwag nilang pabayaang masayang. Kawawa si Jen. Kawawa rin naman si Patrick." Natawa si Mark nang isunod namin ang tanong na kung si Jen ay malapit ng maging isang ina, siya kaya ay nai-imagine na rin ang sarili sa ganoong situwasyon? "Naku, ako po ano...takot na lang siguro for me dahil ako ang breadwinner ng family. Na ayokong-ayokong mabalewala ang mga pinaghirapan ko," pagtatapos ni Mark. -- PEP Are you excited to see Mark in a new role on TV? What are your thoughts on his concern for Jennylyn? Let's hear your it at the iGMA forums! If you're not registered yet, register now! Who knows? You might even get to chat with your favorite Kapuso star! And Feel the Fun with Fanatxt by texting MARK to 4627! (Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers.) In the meantime, catch Mark every weekday afternoon as the dashing Billy on My Only Love, part of GMA-7's Dramarama sa Hapon.