
Sa taping ng 'Tadhana' ngayong araw (August 13), isa na namang sorpresa ang natanggap ni Marian Rivera.
Hindi inaasahan ng Primetime Queen ang inihanda ng kanyang 'Tadhana' family bago pa man magsimula ang kanilang shoot kanina.
Habang nag-aayos sa dressing room, biglang pumasok ang production staff dala ang isang special birthday cake. Halatang nabigla at natuwa ang Primetime Queen.
"Akala ko tapos na, hindi pa pala! Salamat...Ang wish ko sana magtagal pa ang Tadhana."