
Bago ang napipintong pagbabalik ni Alyas Robin Hood sa Lunes, August 14, ibinahagi muna ni Dingdong Dantes ang mga dapat abangan sa season two ng sikat na Kapuso program.
"Siguro sa mga sumubaybay dati, klarong-klaro na may bitin talaga sa dulo. Siyempre ang daming ibang kuwento na uusbong dito. Maraming characters na bago. 'Yung twists, mas dadami pa at mas magiging interesting," pahayag niya.
Dagdag pa niya, "Kung ano man ang na-experince nila [sa part one], since part two ito, [it's] twice of everything for this coming season."
Kailangang abangan ng viewers ang unang episode ng Alyas Robin Hood sa Lunes. "Sa opening sequence pa lang, makikita n'yo na 'yung buong flavor ng program. So lahat ng elemento naroon na," saad ni Dingdong.
Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report:
Abangan ang pagbabalik ni Alyas Robin Hood, ngayong Lunes na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.?