WATCH: Capt. Argus ng 'Descendants of the Sun,' nagbabakasyon sa Pilipinas ngayon
Nasa bansa ngayong ang German actor na si David Lee McInnis o mas kilala bilang ang nakakainis na kalaban ni Captain Yoo Shi Jin na si Captain David Argus sa hit Korean TV series na Descendants of the Sun.
Nakapanayam ng Unang Hirit ang international actor na sumikat sa South Korea na ngayon ay nagbabakasyon sa Pilipinas.
Aniya, “I’m here on vacation. I’m going to see my friend’s restaurant opening so I’m just here for three days.”
Matagal na palang interesado si David na bisitahin ang bansa, “I’m really looking forward to be here, [and] I always wanted to come here so I can’t wait to get some Filipino food right now.”
Tuloy pa rin ang pagiging aktibo ng aktor sa South Korea at kasalukuyang may pino-produce na documentary film.
Saad ng aktor na may dugong Korean, “There’s these loads of opportunities in Seoul, [South] Korea. The content they put out is extremely valuable.”