What's Hot

Ano ang bagong aabangan sa tandem nina Bossing Vic Sotto at Comedy Queen Aiai Delas Alas?

By Aedrianne Acar
Published July 25, 2017 12:57 PM PHT
Updated July 25, 2017 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 2k Filipino children adopted by parents in PH, abroad – NACC
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers
GMA Caps 2025 with Ratings Leadership, Digital Dominance

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang pasabog na handog  nina Bossing at Aiai para sa inyo!

Mga Kapuso, tiyak magugustuhan ninyo ang bagong show na malapit nang mapanood sa GMA na pagbibidahan ng comedy icons ng bansa na sina Bossing Vic Sotto at Comedy Queen Aiai Delas Alas.

READ: Comedy Queen Aiai Delas Alas may big project kasama si Bossing Vic Sotto

Subok na ang team-up nina Vic at Aiai, dahil hindi lamang sa telebisyon kundi pati rin sa pelikula ay namamayagpag sila.

Matatandaan na nasungkit nila sa 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) noong 2016 ang parangal na Box Office King and Queen para sa movie na My Bebe Love #KiligPaMore.

Ang minahal naman ninyong tandem nina Vio at Lav sa Hay, Bahay! ay muling magsasama sa isang malaking project na patuloy na magbibigay ngiti at good vibes sa inyo.

Sa panayam kay Ms. Aiai sa kaniyang contract renewal kahapon, July 24, nagbigay ng ilang detalye ang award-winning comedienne sa exciting new show nila.

Aniya, “Okay naman, nag-pictorial na kami ‘yung magiging concept is siyempre secret muna. Malapit na siya, siguro by September, kasi magmi-meeting na kami this week.”


Video courtesy of GMA News


Abangan ang pasabog na handog na ito nina Bossing at Ai para sa inyo mga Kapuso!