WATCH: Gabby Concepcion, umaming siya ang may kasalanan ng break up nila ni Janice de Belen
Ngayong magtatambal muli ang hit '80s love team at former couple na sina Gabby Concepcion at Janice de Belen, hindi maiwasang maungkat ang kanilang nakaraan. Pag-amin ng aktor, siya raw ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay noon.
Bibida sina Gabby at Janice bilang dalawang magkaklaseng muling magkikita makalipas ang maraming taon sa Magpakailanman. Natatawa raw ang aktres dahil marami raw ang excited sa kanilang pagsasamang muli.
LOOK: Former couple Janice de Belen and Gabby Concepcion reunite for 'Magpakailanman'
“Sabi ko, ‘Bakit kayo excited?’ Kasi we’ve worked together before, tapos nagkikita kami, nagkukuwentuhan naman kami,” pahayag ni Janice sa panayam ng 24 Oras.
Komportable ang dalawa na makatrabaho ang isa’t isa. Nakakapagkulitan din sila tungkol sa kanilang nakaraang relasyon.
Pag-amin ni Gabby, “Siyempre nagkahiwalay kami, matagal na ‘yun. Kasalanan ko naman. Siyempre naman, eh dapat honest lang ‘di ba. ‘Yun, pero nagsisisi na ako. At sorry nga pala ah.”
Dugtong din ng aktor na may na-miss daw siya kay Janice.
Aniya, “Ang na-miss ko dito ‘yung mga cake na pinadadala niya sa akin noon.”
“Of course not. Let me correct you on that. Ikaw ang nagpapadala sa akin kasi late ka parati sa shooting,” hirit naman ng aktres.
Video courtesy of GMA News